|
Its not that i want to be the only girl in your life,i just want to be the only one that matters |
Na feel nyo na ba yung moment na sasabog ka na sa nararamdaman mo sa isang tao na tila wala namang pakialam saĆ½o? Yung tipong anng sweet-sweet nyo, constant dating, you care for him, he cares for you na tipong ang kulang na lang talaga yung label na "kayo" na "officially". But eventually habang feeling mo eh nasa cloud 9 ka pa, eh parang unti-unting nararamdaman mong pababa ka na at lalagpak ka na sa lupa dahilnga wala kang "assurance" at hanggang "kailan" kayo ganyan. May aasahan ka pa ba o hanggang ganyan na lang kayo?
Masaya talaga sa una, pero habang tumatagal na parang gusto mo ng sadyaing magpakalunod para i-test mo lang sa sarili mo na sasagipin ka ba nya oh tulad lang ng mga kaibigan mo na pagtatawanan ka muna bago irescue. Narinig mo lang na sinabi nya na, "special ka sa'kin" eh,kilig pepe ka naman at feeling mo nagpo-propose na sya sa iyo. Parang ako lang noon, umasa na aabot sa next level pero hindi na talaga umabot, sa halip, bigla ko na lang pinutol kung anumang meron kami.
Pero bago ko tinuldukan yun, kinailangan ko talaga ang agua de pataranta at doon humiramsaglit ng lakas ng loob. Ilang araw na syang di nagte-text, di na ako nakatiis at ako na ang unang nagtext.
Bakit ba di pwedeng maging tayo?
Message sent!
May tama na ako, malabo na ang paningin ko, umiikot ang paligid, malimali na ang chords na ang pagkaskas ko sa gitara.
1 Message Received
May mga priorities pako na dapat unahin
Di ko alam kung bakit bigla kong nabasa ng malinaw ang text nya. Alam kong punta na sya ng US for good. And that time, desidido na ako na kunin ang opportunity na kunin yung work sa US para sundan sya. Pero sa nabasa kong yun, may kirot akong naramdaman, sakit pala noh! Masakit na alam mong di ka kasama sa "priorities" nya. Di ko namamalayan na nakakailang bote na naman ako at basa na ang gitara ko sa mga patak ng luha ko.
Dumaan pa ang ilang araw na mabigat ang pakiramdam ko, naalala pa rin ang text nya.
1 Message Received
Hi! Musta ka na?
Gusto kong itapon ang cellphone ko sa dugong umakyat sa ulo ko. Tangina! Parang walang nangyari, at talagang kinamusta pa nya ako!
Ok lang...
Message sent!
Pasisinungaling kong sabihin na ok lang ako, na ang totoo hindi! Ka-imbyerna!! Kung nakakamatay lang ang mura,malamang brutal ang pagkakapatay ko sa kanya sa murang matatanngap nya. Pero, tila may sariling utak tong mga daliri ko at todo reply pa rin ako sa mga texts nya. Minsan ang sarap tampalin ng kamay ko at sabihin magtigil ka, di ka pa nadala!!
Constant texting na ulit kami.. Haaay!! Andun pa rin yung pag-asa, assume, expect, waiting lahat na,nagbabaka sakali. Naalala ko pa nung nag-kwento sya may prospect syang isang butch, nakaramdam ako ng kirot na naman, at sakin pa humingi ng advice ah! Ako naman,pwede nang garutihin sa pagiging martir eh bigay naman. Nagkkwento sya tungkol sa tanginang butch na yun, nagdate sila, nasa bar, na mat exyung butch na inaaway sya at kung ano anopa! Totoo pala na magsasawa ka rin, nakakapagod rin pala umasa at maghintay.
Sinubukan kong di magreply samga text nya...
1 Message Received
Jannah
1 Message Received
Busy k?
1 Message Received
Uy!
1 Message Received
Are u mad?
Di ako nagrereply... Busy ba ako? hindi naman sem break nun kaya taong bahay ako. Am I mad? Siguro.. pero bakit naman ako magagalit? Hindi ako galit? Weeh?! Ewan! Di ko na alam!
Gabi...
1 Message Received
I'm stressed, malapit na exam ko.
May kakilala ka ba sa exclu around paranaque?
Ah, wala eh bakit? (Curious lang kaya nag-reply ako)
Ako lang kasi sa bahay,kailangan ko lang pam-paalis ng stress
Ampotah! mag-isa lang? sex toh!!
Ako na lang! Puntahan kita? hehehe
Sira! hehehe
After 10 mins...
Ayun, meron na!
Sino?
Ex ko..
Ayun naman pala! Kaya naman pala sa ex nya makahanap ng anti-stress eh, bakit sakin pa nagtanong. Pakyu!! Bigla akong nawalan ng amor sa kanya, dahil sa pakikipag sex nya sa iba? kahit alam ko na normal lang yun, at single naman sya o dahil sindaya nyang sakin magtanong ng ganun para ganun yung maramdaman ko at tigilan ko na sya?
Tigilan sya? di ko naman sya kinukulit ah! Di pa naman ako desperada na magmakaawa para lang maging priority nya,na maging gf nya!
I don’t wanna hear about your sex life and how amazing it is and blah blah blah.
I don’t wanna hear about how happy you are now that you have someone.
I don’t wanna hear about any of it!
And you know it!
But you continue...
So I’m gonna say this just one.
Stop it!! Or else you’re gonna lose me for good. And, according to you, I’m the best friend you’ve got.
Something to think about.
Message Sent
Message Cancelled
Di na lang ako nagrereply sa mga texts nya... hanggang sa di na rin sya nagte-text.