“I don't fall in love with a gender; I fall in love
with a person”.
Bilang
isang babae,di ko nararamdaman ang pagiging espesyal ng pagkababae ko. Sa una pa
lang bilang normal na babae, noon, sa biblya Genesis 3:1 – 3:20 na parang si
Eba ang may kasalanan ng lahat na kung bakit ba naman kasi kumulundiday pa sa
ahas at kinagat nya ang lecheng mansanas! Sa bagong tipan na si Magdalena isang
prosti na nachismis na naging jowa ni Papa God sa movie na Da Vinci Code.
Ang
kasarian ay isang sensitibong usapin mapasa hanggang ngayon; at ewan ko ba sa
trip ng mga pro-life, pare at madre at sobrang tutol at affected sila ng bongga sa
ganitong issue. Idahilan mo na lang siguro na tigang sila at di nila naranasan
ang sarap ng pagiging normal na tao kaya nagiging party pooper sila pagdating
sa sexual orientation.
“Ang lalaki ay para lang sa babae”, 3 lalaking na naging kaibigan ko ang nagsabi sa akin
nyan. Kesyo na “ang mga babae ay kinuha lang sa tadyang ng lalaki” (Sarap tadyakan).
Mga utak tamod! Dala yan kasi ng maling interpretasyon ng mga literal na pari,
maling interpretasyon sa biblya. Nagsimula yan sa pagkain ni Eba ng mansanas,
ayun! Kasalanan pa ba ng babae na magkaroon ng sariling desisyon? At nagkaroon
tayo ngayon ng sarili nating pag-iisip, paniniwala at mamili ayon sa ating
sarilli?
Dito
sa Pilipinas, namumuhay pa rin ang karamihan sa tradisyonal na moralistang
lipunan na ang babae ay sa bahay lang para punan ang mga pangangailangan ng
lalaki na hanggang ngayon ay ipinagdidikdikan pa rin ng mga pari sa utak ng mga
kababaihan. Pero naman, magiis-stay na lang ba tayo sa pagiging patriarchy? Eh
mas maraming nagtatrabaho ngayon na babae at mas maraming tambay na lalaki.
Kung
gaano kasensitibo ang pagiging babae, eh kamusta naman ako?! Isa akong bisexual,
isang babae na pwedeng makisama sa lalaki..at kapwa ko babae! Sa sitwasyon ko
noon, mahirap, masakit na daig mo pa ang na-devirginized. Na kahit tipong
pamilya mo na imbes na suportahan ka kung ano ka at sino ka, sila pa ang unang
tao na bababa sayo. Yun ang makulay na bahagi ng pagiging halamang dagat.
Maluha luha ka na at napapatumbling ka na sa stress ay nakukuha mo pa ring
maging masaya na parang walang nagyari.
Luckily,
ngayon tanggap na nila ang pagkatao ko (tuwing kinsenas at katapusan) hehehe..
Most especially ng Lola and Mom ko pero aninag mo pa rin ang sakit, kirot at
panghihinayang nya sa una nyang apo na baka dumating ang araw na mategi na sya
eh wala pa syang nakikitang apo sa una nyang apo. Subalit, lagi kong inaalala
ang sinabi sa movie na Patayin sa Sholot si Remington - Zombading na ang
pagmamahal at pag-ibig ay walang kinikilalang kasarian. Kung mahal mo yung tao,
mahal mo siya ng buong-buo, walang "dapat
ganito,dapat ganyan" na issue. Package deal, sabi nga nila.
May
kirot man sa damdamin kapag sinasabing "bwisit sa buhay" ang pagiging
bakla/tomboy o kung ano pa man ang itawag, tinatawa ko na lang. Anung magagawa
ko eh feeling ko isa akong wiper ng sasakyan, I go both ways! Katulad ng mga
taong itinuturing ng lipunan na "normal" tao din ako noh, maganda pa
nga sa normal (charot pempengco) kapantay ng lahat sa paggalang at sa kalayaan.
Maaring naiiba ako sa pananaw ng nakakarami. Subalit, naging kakaiba lang naman
ako sapagkat nagpapakatotoo ako sa aking sarili.