“Please, Lord, if I can't say something nice today, make me keep my big mouth shut! Amen.”
Di naman lahat ng tao magugustuhan ka at syempre magugustuhan mo; marami akong kinaaasarang tao, may ilan sa katrabaho ko at buti na lang at di ko sila nakikita araw araw dahil homebased kami. Mwahahaha… Kahit alam ko nakakasakit ang okrayin sila, di pa rin talaga maiwasan nang matapat kong dila at ang tanging dahilan ko lang eh di ko sila nilalait, dine-describe ko lang sila.
Kung matapang ka, eh di, soplakin mo na agad!
Pero syempre bago mo prangkahin ilagay mo muna ang sarili mo sa kanila. Syempre napakasakit naman ma-reject nga naman ng isang tao kapag gagawin mo yun. Malay mo gusto lang naman makipag-kaibigan. O kaya naman kaya nagiging awkward siya eh dahil pinipilit niyang makamit ang standards mo. Tska isipin mo dapat kung ano ba ang mawawala sayo kapag nawala siya sa buhay mo. Mareremata ba ang bahay nyo kapag nandyan sila? Mannahimik ba ang buhay mo? Sasaya ka ba? O may mga taong mawawala kapag nawala rin siya?
Nasasayo naman yun eh, kung kaya mo silang mawala eh di go! Kung yun naman ang magpapagaan ng loob mo dahil sobrang asar ka na edi, isnobin mo na si konsensya! Sa totoo lang, hindi naman palagi dapat ini-entertain natin ang mga tao eh. Lalo na kung nakakagambala na ito sa pang araw araw na buhay natin eh dapat na talga tayong lumayo at dumistasya.
Sabihin mo lang ng maayos, na ayaw mo ng presence niya.
Pero hangga’t maari in a nice way para hindi masyadong Rude. (…Eh hindi ako ganon! Wahahaha!!)
Sa kabilang banda, dapat pa rin tayo maging maingat sa lahat ng salitang sasabihin natin; pero ang pinaka the best eh yung huwag na huwag mo ng patagalin pa. Kapag gusto ka ng tao at ayaw mo- sabihan mo agad na hindi mo siya gusto para hindi mo siya mabigyan ng false expectations. Baka nga naman kasi umaasa yan kaya buntot ng buntot sayo eh. Tandaan mo na ayan ang pinakamahirap gawin.. ang pag reject ng isang tao.