Eto ang pinaka-ayokong debate lalong lalo na sa inuman; usaping pagkalalaki at pagkababae. Lalo na sa topic na "Sex"; kung ilan na nag naka-sex at anong wildest position na ang nagawa. Napapansin ko kapag dito napupunta ang usapan natatahimik ang mga babae, nga nga! tulala, tameme, deadma, keber at wapakels sila at iibahin ang topic!
Duh! Ang mga lalaki nga, kayang ipangalandakan kung ilan na ang naka-sex nila dahil nakakataas yung ng ego nila. Pero nakaka-imbyerna rin naman na habang kinukwento nila at nagmamalinis sila, ang kaya lang gawin ng mga babae eh, manahimik, pa-maria clara ang dating at iwasan ang usapan at itago na lang iyon.Nakakairita kasing isipin na ang mga babae ay gusto ng equality pero ayaw naman nila ng equity!
Makuha ka sa numbers...
- Kapag sinabi ng mga lalaki na 10 na ang naka-sex nila ang totoo, 4 o 5 pa lang.
- Kapag sinabi naman ng mga babae na ang naka-sex nila ay 1 pa lang, naku wag ka! Naka-lima na yan!! Minsan nga higit pa dun eh!
Utak The-Mode
May isa akong kakilalang lalaki na sarado ang utak pagdating sa ganitong usapin, na tipong ayaw magpatalo at talaga namang ubod nang taas ang ihi. Masabi lang na lalaking-lalaki siya.
Kaya ikaw, na sana hindi na etits mo ang gagamitin mo sa pag-iisip at utang na loob, please lang pakibalik ang utak mo na nasa itlog mo dyan sa totoong ulo mo.