Open relationship, Friends with Benefits, Fubu o kahit ano pa tawag dyan, yan ang benefits na gustong-gusto lalo na ng mga lalaki. No commitment, no headache, no responsibilities puro perks and freebies! Aba,sa totoo lang kahit sinong lalaki eh kakagat sa ganyang deal! San ka ba naman makakakita na pwede mong makuha ng libre ang isang bagay na walang commitment na ibibigay, walang pangako na babaliin, walang assurance na sisirain.
First day high!
Syempre ramdam mo talaga ang pagiging autonomous mo, walang "reporting for duty" na parang official na magjowa. Masasabi mo talaga na hindi masama ang ganitong sitwasyon. Isa na sa advantage eh walang habol effect at pakikipag-balikan pagkatapos ng nangyari sa inyo,walang lingon-likod ika nga.
O baka naman sa umpisa lang yan..
Ganito kasi yan...
Marami na akong narinig na ganitong love problems at awa ng diyos ayun, walang nag-success sa ganung relationship. I have a friend, may ka ""fubu" sya for almost a year na! Leche! imagine, almost a year na dating and f*cking dating and f*cking and dating...
Na-fall si girley, but si boylet ang sabi eh, super busy with so many commitments (work and his career in particular) at wala daw syang time for real relationship. Si girley naman, "ok sige" pero deep inside waiting in vain ang peg ng lola mo kaya ayun, aware syang pinapaasa sya (umasa naman ang gaga) pero di "DAW" nya ma-let go.
What The FUCK?!
Eh na fall ka...
Yun lang! Eh kung hindi ka ba naman isa't kalahating kilong tanga, unang-una pumayag ka sa ganyan deal tapos mag-iinvest ka ng feelings? Talo ka girl!! Kahit saang banda tignan,maliban na lang kung ganun din sya sayo, eh paano kung hindi... nganga!
Boys, Boys, Boys!
Ang kagandahan sa ugali ng lalaki eh kung ayaw nila sayo, ayaw talaga! Wala nang arte sa katwan basta AYAW! At kung gusto naman nila sa isang babae, naku, babakuran ka ng mga yan para wala ng ibang tumambay pa sa gusto nila.
Pero boys will be boys pa rin, sa sitwasyon ng pagiging fucking buddy eh sige payag check go sila! Sino ba naman ang hihindi sa package deal na ito? Libre na manyakin ka tapos nag-iinarte ka kung bakit di pa ilagay sa next level?! Malinaw lang na sagot ni boylet dyan eh, wala kang halaga sa kanya.
Reality bites...
Isang bagay lang ang malinaw, di ka nya "mahal", wala syang "pagpapahalaga" (tulad ng pagpapahalaga mo sa kanya) sayo dahil:
Move on!!!
Kung hindi mo naman ramdam at di mo natatamasa ang benefits, eh di oras na para talikuran, lumakad, lumayo at wag nang lumingon. Pag tinawag pangalan mo, deadmahin mo na. May karapat-dapat sayo na naghihintay sa finish line.