Napapaligiran tayo ng kasinungalingan. Gaya ng pakete ng chichirya na kung saan pa nakasulat ang 'tear here' ay doon pa hindi mabuksan, ng mga 'good for X no. of persons' deal sa mga restaurant kung saan ang lihim na tinutukoy nilang mga nilalang ay yung hindi magkakakilala at walang lakas ng loob magpakita ng tunay na katakawan. At higit sa lahat, ang paniniwalang kapag hinintay mo siya ay may milagrong mangyayari. Maniwala ka, hindi iyon totoo. Hmmm. Parang ironic ah. Maniwala ka, tapos hindi totoo.