Bakla, bading, beki, bek-bek, badap,
jokla, sioki, dadang, ano pa ba? chaplok, charot, cheng, gel tsopi,
v-jay meron pa ba? Pusong babae na naistock sa katawan ng lalake. So bro
yet so gay, deny to death kapag napagkamalan na bading ng mga kaibigan.
Sino ba naman ang aamin dba?
Sa panahon ngayon it’s a matter of
acceptance lang talaga para tangapin ka sa lipunan. Pero hindi pa rin
talaga maiiwasan ang mga haters na katulad ko na kadirihan, kasuklaman
at pintasan kayo minsan. Pero depende naman talaga e kung anong klaseng
bading ang tinutukoy.
THE ANNOYING GAYS
Barakuda: eto yung tipo ng bakla na
madalas kadirihan ng nakararami dahil sa kanilang itsura at pananamit na
sigurado namang nakakadeds. naka baby shirt at jogging pants. Malakas
maka Shamcey Supsup ang projek pagnaglalakad pero manong ang mukha at
Floyd Mayweather ang balikat. Madalas may hawak na suklay at cellphone.
Kilala ng mga tambay.
Tripperz: klase ng mga baklang malakas makaconsrtu ang pes at bortawan “straight stripper” ang profile
pero babad sa IRC, Chat TV at PlanetRomeo. Di nawawalan ng TOL, DUDE AT
BRO ang status at may all caps na “STIG TO STIG ONLY NO CHUBS EFFEM!”
Kiddie Meals: Ang mga twinkidoodles na
suki ng Folded n’ Hung. Madalas naka skinny jeans at spike ang buhok.
Mukhang tinamaan ng malnutrisyon. Light tone ang foundation at may baby
powder na nakaipit sa panyo. Madalas nakapaling ang mukha sa kaliwa at
ngiwi ang nguso kapag nagpipicture. Sila ang mga paboritong pagkain ng
mga Daddy Oh!
Chinese
Community: Ang mga baklang madalas napapagbintangang nakafoundation
kahit wala naman. Nagkukumpulan sa isang sulok at nagpapalitan ng recipe ng siomai.
Daddy Oh: Ang mga baklang mahilig
magpadala ng PM sa PR ng mga Kiddie Meals “movie or coffee” Malakas
maglike at magcomments sa mga pictures sa facebook. Madalas may sinasabi
sa buhay kundi man emplyado ng Munisipyo. Reyna ang aura sa mga umpukan
at ang mga pinakamadaldal kapag nagiinuman. Sila ang mga malakas
humarot sa mga waiter na nagsisilbi sa inuman. Kilala ang halos lahat ng
bakla sa Nakpil-Orosa, mula mambabalot hanggang sa mga may-ari ng bars.
ART OF BEAUTY GAYS
Dyosa: Ito yung magagandang beki na
karaniwang sumasali sa mga pageant tuwing pista. Madalas silang manalo.
Mahaba ang buhok, mala porselana ang kutis, maliit na beywang, at
mayuming mukha. Walang bahid ng pagkalalaki sa katawan, babaeng babae
kung titingnan. Minsan ay masmaganda pa ito kaysa sa tunay na babae.
Mabenta sila sa mga kalalakihan. Mayroon itong dalawang uri, chixilog at
SVB.
Chixilog – Kilala rin sa term na
transvestite o cross-dresser. Chix na may itlog. Hindi pa ganap ang
kanilang pagbabagong anyo, wala pa silang manika. Kuntento na sila sa packaging tape.
SVB o Salamat Vicky Belo – Kilala sa term
na transsexual. Ganap na ang pagbabagong anyo. Hindi mo na
mapagkakamalan na dati syang lalaki. Marami silang pera, kaya nilang
lumipad papuntang thailand upang ipatanggal si junjun at palitan ng
manika.
Syokla: Syokoy na bakla, kabaliktaran ito
ng mga dyosa. Kapag nakatalikod ay mukhang sirena, pagharap ay mukhang
sea weeds. Pambabae ang bihis, mahaba ang buhok, at hindi kagandahan.
Kahit anong effort ang gawin pangit talaga. Sumasali din sa pageant
tuwing pista pero kadalasan ay lusita. Ito ang pinakakawawa sa lahat,
laging linalait at napagtitripan. Mayroon itong dalawang uri ng
kachakahan, pangit ang mukha(pepsi) at pangit ang katawan(dyokla).
Dyokla: Ang uri na ito ay pwede sa
dyosa. Sila ay dyosa na syokla, kalahating maganda at kalahating chaka.
Napakaganda ng mukha na sumasalungat sa pangangatawan. Malulusog sila at
malalaki ang boobang.
Pepsi – Kabaliktaran naman ito ng dyokla. Maituturing na pepsi sa
kadahilanang sila ay sobrang sexy. Mas sexy pa kesa sa babae ang
kanilang katawan. Sana ay naging katawan na lang sila sapagkat ang
feslak nila ay chakarat.
at maraming pang iba.
Mahilig akong manghusga ng tao sa paraan
na madalas ako lang din ang nakakaalam. At ako rin mismo ay may mga
kaibigan din bading na annoying at mga art of beauty. Pero meron lang
talaga akong isang tanong na naghahanap ng kasagutan. Bakit biglang
dumami ang population ng mga bading? Ano ba talaga ang dahilan? Isang
pandemic na sigurado namang nakakadeds. Pero seryoso, 50% na nga lang
tayong kalalakihan dito sa balat ng world tapos 50% hindi pa lalake aba e
no wonder maraming ngang secret affair na nagaganap.