Let's make this happen, girl, we're gonna show the world
That something good can work and it can work for you
And you know that it will - Two Door Cinema Club
Nung
huling sukat ko kung gaano ako katangkad, 5’3” ang height ko. Pero ang
totoo, 6 footer talaga ako. Hindi ko na lang isinama dun kung gaano
kataas ang pride ko. Aminado ako na bulok at mahina ako sa sauluhan.
Enumeration ang pinaka ayokong parte kapag may exam. Palagi kong
nakakalimutang ang I.D ko bago pumasok sa trabaho. Hindi din ako
marunong makatanda ng birthday. Pasalamat na lang ako kay FB.
Pero sinasabi ko sa’yo, makakalimutin ako sa mga ganyang bagay pero
hinding hindi ko kayang kalimutan yung mga bagay na ginawa saken ng
isang tao, kahit gaano pa katagal yan. Kahit pitong taon na ang
nakalipas.
Hanggang ngayon tandang tanda ko pa din ang plate number nung
ticycle na dinumihan ang uniform ko nung nag aabang ako sa kanto, ikaw
pa kaya na halos dumihan yung buong pagkatao ko? Marunong akong
magpatawad.
Pero hindi ibig sabihin nun ay marunong na din akong
makalimot. Magkaibang bagay yun kaya wag naman sana tayong masyadong
feeling.
Kahit iuumpog mo ako na parang yelo sa pader, maglalaglagan lang ang mga
formulas at equation na sinaulo ko simula college pero habang buhay
nakadikit sa utak ko yung mga bagay na ginawa sakin ng mga taong
sinaktan lang ako sa huli.
Took a little time to make it a little better
It's only going out, just one thing and another, you know, oh, you know, oh
Took a little time to make it a little better
It's only going out, just one thing and another, you know, oh you know, oh
Hinding hindi yun kayang bitawan ng puso at
isip ko dahil kapag hinayaan kong mawala yun, para ko na ring tinanggap
at inamin sa sarili ko na karapatdapat ako sa lahat ng sakit na yun. Na
parang binigyan ko na rin ng karapatan ang ibang tao para gawin ulit
sakin yun ng paulit ulit.
Kahit kelan hindi ko lulunukin ang pride ko
para lang makalimutan yung mga masasakit na bagay na ginawa mo saken na
halos dumating sa puntong hindi na ako naniniwala sa tunay na konsepto
ng pagmamahal. Ayokong bumula ang bibig ko sa isang detergent bar lalo
na’t para sa’yo lang. Kaya hinding hindi mo ako masisisi.
Pero salamat na rin ha?.
Dahil kung hindi dahil sa’yo, hindi ko
matatagpuan yung taong paulit ulit na nagsasabi saking “Huwag kang
matakot. Hindi kita sasaktan gaya ng ex mo.”
#nuffsaid #latepost