"...You are my sweetest downfall" - Samson Regina Spektor
Paano ko ba pagagandahin ang kwento kung ang ang ending ay napunta sa iba ang knight-in-shining-armor mo at naiwan ang prinsesa nang ganito? Paano ko ba tatapusin ang kwento kung biglang nagtago at naduwag ang knight-in-shining-armor at naiwan ang prinsesa sa ere?!
Kung bakit ba naman kasi ako naniwala sa mga fairy tales at lalo na sa story ni snow white na ginawan pa na katakot-takot na movie remakes. Ngayon, feeling ko, ako si Snow White, ang kaibahan lang eh hindi wicked witch ang nagbigay ng poisonous apple kundi ang knight-in-shining-armor ko. Kinagat ko, kaya nalason ako. Malalim ang pagkakalason. Tagos sa pagkatao ko.