Ang pagpili ng babae para sa mga lalake ay parang pagsa-shopping at paggo-grocery. Ihahalintulad nila ito, sa mga bagay na yan, para maintindihan ng mga babae (nang mas mabuti) dahil yan ang hilig nilang gawin.
Shopping
Minsan, sinasabi ng ibang girls na,
"Put-mm-nang-mmm mga lalake yan, mga babaero. Kung makapang iwan ng babae, parang walang pakiramdam. Leche!" Ilagay na nating, yun ang pananaw ng mga ibang babae. Pero tignan nyo sa angulong ito. Minsan kasi, ang mga boys ay parang mga girls kung bumili ng damit, kailangan muna isukat para mahanap ang tamang sukat at babagay sa amin. Pero hindi porke binitawan na yng damit na naisukat namin at dinampot ang isa at binili, hindi ibig sabhin na hindi sila nagsisisi na, sana yun nalang ang binili nila, mahirap mamili ng damit at makakasama na babagay at mag-fifit sa sarili mo. Kaya kailangang mamili ng mabuti at isukat para sa bandang huli, hindi ka magsisisi sa nabli mo.
Grocery
Minsan din para silang naggo-grocery. Pupunta sila sa section na kung saan alam nila na nandun ang hinahanap nila, gaya ng Bars, club, library, simbahan, etc. Depende sa kung anong panlasa nila at kung ano ang gusto nilang bilhin. Meron yung napaka-ganda ng packaging kaya mahal. Pero wit naman ang nilalaman nito at kailangan mong gumastos ng malaki para mabili lang. Pero meron ding simple lang ang panlabas, abot kaya na, at sulit pa ang nilalaman nito. Kaya nasa sa kanila na kung magiging wais sila at magiging praktikal pero kuntento o susugal dun sa maganda at mahal pero magsisisi sa bandang huli. At syempre, di sila pahuhuli sa
FREE TASTE.