You're
looking for the most impossible creature on EARTH! Ideal man/girl?! Ano
ba yung common qualities ng isang "ideal man/girl", "Mr.&Ms.
Right?". Nung bata ako (grade 2), pangarap ko magkaroon ng isang
Christopher De Leon sa bahay namin; gwapo, malinis, mukhang mabango,
parang yung hahawakan ka palang sa kamay parang gusto mo ng malusaw.
Ampotah! Grade 2 ako, yan na ang pinagpantasyahan ko!
2nd
year high school ako nagka-boyfriend, sa tingin nyo, nakahanap ba ako
ng isang Christopher De Leon? Hmn... Si Jayson, maitim dahil varsity ng
volleyball sa school namin (malayong malayo sa kutis ni Christopher De
Leon), pangkaraniwan na may itsura (napakalayo kay Christopher De Leon),
dating nya parang laging katatapos lang magbasketball (pwede na sa
bango ni Christopher De Leon), matigas ang mga braso at kamay (halatang
varsity nga pero matigas ang kamay, hindi nakakalusaw).
Nung
college, crush na crush ko si Johnny Depp; yummy, kahit may bigote at
balbas gwapo pa rin, bad boy ang drama, napaka mysterious. Pero wala ni
isa sa mga katangian nito naging boyfriend ko nung college. Pangalang
artista, yun lang ang partida sa kanya. Mork Richard Gutierrez, galing
sa nakaririwasang pamilya, hindi sya gwapo, parang walang pangarap sa
buhay, di matinong kausap, parang walang "kami" na nagaganap.
Nung
nag come out ako as bisexual, gusto ko mala-Angelina Jolie
sophisticated yet may angst, unapproachable pero may soft spot sa heart
nya. My first girlfriend, Jinie; taena unapproachable sya.. yun lang! Di
ba naman nagpakita sa'kin ng kalahating taon. Isa syang ma-pride na
bababe, kung ano ang gusto nya, yun ang masusunod. Para akong aso na
arf! arf! na lang sa kanya.
Parang wispa gold choco candy bar, may balot na ginto na nagsisimbolo ng pagiging mapili ko, sa engrandeng
balot nito na-engganyo ako, pero nang simulan mo ng kagatin... isang
ordinaryong chocolate lang pala na matatawag mong love...